Dahil sa tubig at pagkain: Bilanggo sa Cavite, binugbog ng 2 kakosa

119

Nasawi ang isang bilanggo matapos umanong pagtulungan bugbugin ng mga kakosa nito sa Dasmariñas, Cavite.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naging mainit ang pagtatalo sa pagitan ng biktimang si Michael Horvidalla at dalawang kasama sa selda – dahil sa pagkain at tubig.


Nauwi sa sapakan, tulakan, at sakalan ang komprontasyon ng mga preso.

Dinala sa pagamutan si Horvidalla dahil sa tindi ng pambubugbog sa kaniya pero agad din binawian ng buhay.

Patong-pato na kaso ang isinampa sa dalawang bilanggo.

Facebook Comments

From Advertisers