PANOORIN: Python, isinuka ang 40kg kambing na kinain nito nang buo

Inabot ng isang oras bago tuluyang mailuwa ng apat na metrong python ang nilunok nitong buong kambing na may bigat na 40 kilos.

Nakuhanan ang video sa Quanzhou, Fujian sa China nitong Linggo.

Natagpuan ang python ng magsasakang si Mr. Yao na nagsabing 20 kambing na niya ang nawawala ngayong taon.


Nang subukang hanapin ang isa sa mga kambing, nakita ni Yao ang sawa na lobong-lobo ang tiyan malapit sa kanyang bukid.

Tinulungan na ng mga residente at rumespondeng forest rangers ang sawa para mas mabilis nitong maisuka ang kambing.

Makikita sa video na hinihila nila ang buntot nito, habang ang iba naman ay pinipisil ang bandang sikmura ng python.

Facebook Comments