Dahil sanaiwang baga, bahay nasunog

12

Altavas, Aklan – Nasunog ang isang bahay kaninang umaga sa Sitio Sapa, Brgy. Cabangila, Altavas, Aklan.
Ang nasabing bahay ay pagmamay-ari ni Christine Valentin, 31-anyos ng nasabing lugar.
Ayon sa BFP-Altavas, na mga bandag alas 10:00 nagsimula ang sunog at alas 10:12 sila nakatanggap ng tawag.
Nag responde sila sa lugar at mga alas 10:28 ay naapula ang apoy.
Base sa kanilang imbestigasyon na nagsaing si Christine at saka umalis kung saan hindi nito napansin na may natira pang baga at yon ang pinagmulan ng apoy.
Ang tanging tao lamang sa kanilang bahay ay ang anak nitong 9 at 7 na taong gulang na nasa mabuti namang kalagayan.
Umabot sa P 20,000.00 ang inisyal na pinsala sa nasabing sunog at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP-Altavas dito.

Facebook Comments