Pinakamaraming Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Naitala sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela- Naitala sa Lungsod ng Cauayan ang may pinakamaraming bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos na inilabas mula sa Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), umaabot sa 224 ang aktibong kaso ng Cauayan City, at sumunod naman ang bayan ng Tumauini na may natitirang 126 na hindi pa gumagaling sa COVID.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 1,715 na total active cases ang Isabela matapos madagdagan ng 100 panibagong kaso habang umakyat naman sa 19,410 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa virus.


Nakapagtala naman ang probinsya ng 653 na COVID-19 Related deaths kabilang na ang dalawang (2) bagong nasawi.

Ang Lalawigan ng Isabela ay mayroon ng naitalang 21,778 na total cumulative cases ng COVID-19.

Facebook Comments