Dahil umano sa mahinang aircon: Bintana ng LRT 1, binasag ng pasahero

533
File Photo

Nabalot ng tensiyon ang loob ng isang tren ng LRT-1 matapos basagin ng isang pasahero ang salamin ng bintana nito noong Miyerkules ng hapon.

Ayon kay Sweden Ramirez, spokesperson ng LRT-1, may isang commuter na pinilit buksan ang pinto ng tren habang umaandar papuntang UN Avenue Station.


Nang hindi mabuksan, binasag ng pasahero ang salamin ng bintana ng bagon.

Dalawang commuter ang nasugatan sa naturang insidente.

Kaagad silang nirespondehan ng Philippine Red Cross para mabigyan ng paunang-lunas.

Mabilis naman naaresto ng mga guwardiya ang pasaway na lalaki at tinurn-over siya sa Manila Police District.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binasag ito ng biyahero dahil mahina umano ang aircon ng tren.

Facebook Comments

From Advertisers