Dahil umano sa pagtatalo sa baon ng mga anak, mister nag-bigti

129

Manaoag, Pangasinan – Nadatnan ni Remelyn Igros ang asawa nito sa kanilang bahay na nakabigti at wala ng buhay sa kanilang tahanan. Ang biktima ay nakilalang si Rowel Adlawan, 45 anyos at may-ari ng isang junkshop.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagtalo dahil sa baon ng kanilang mga anak ang mag-asawa na dinamdam ng lalaking asawa kaya humantong sa pagpapatiwakal. Sinubukan pang itakbo sa Manaoag Community Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.


Samantala isinantabi na ng mga kapulisan ang anggulong may foul play sa nasabing insidente ngunit inirekomendang sumailalim ito sa autopsy upang malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay nito.

Facebook Comments

From Advertisers