DAHIL UMANO SA SELOS, MAG INA PATAY SA PAMAMARIL NG LIVE IN PARTNER NG ISA SA MGA BIKTIMA SA URDANETA CITY, ANAK NG SUSPEK SUGATAN DIN

Patay ang isang mag ina sa Urdaneta City matapos silang pagbabarilin ng live in partner ng nakababatang biktima habang sugatan naman sa insidente ang anak ng suspek.
Ang namatay na mga biktima ay nakilalang sina Josefina At Mary Ann Manzano habang ang suspek ay ang live in partner ni Mary Ann na nakilalang si Diosdado Escalona.
Naganap ang insidente habang nasa loob ng kanilang bahay ng magtalo sina Escalona at Live in partner nito dahil umano sa selos.

Sinubukan silang awatin ng ina ni Mary Ann subalit sa kanya naibaling ng suspek ang galit nito at agad na naglabas ng baril sa kanyang sling bag.
Sinubukan pa itong awatin ng kanilang anak subalit hinampas ng suspek ito sa ulo at agad na pinaulanan ng bala ang mag ina na naging dahilan ng kanilang agarang kamatayan.
Isinugod pa din sa pagamutan ang mag ina subalit idineklarang Dead on Arrival habang patuloy na ginagamot ang anak ng suspek at isa sa mga biktima.
Naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek kung saan ay nakuha mula sa kanya ang baril na ginamit na isang Caliber 9MM na may limang bala pa habang nakuha pa Crime Scene ang apat na basyo ng bala mula sa nasabing Calibre ng baril. |ifmnews
Facebook Comments