Dahilan ng Pagkakaroon ng ASF sa Bayan ng Gamu, Ibinahagi ng Alkalde!

Cauayan City, Isabela- Ibinahagi ni Mayor Nestor Uy ng bayan ng Gamu, Isabela ang posible umanong naging dahilan ng pagkakaroon ng African Swine Fever (ASF) sa kanyang nasasakupan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Uy, sinabi niya na mayroon umanong isang baboy mula sa ibang lugar ang ibinenta sa barangay Union na posibleng nakahawa sa mga baboy sa lugar.

Naka total lock down pa rin ngayon ang bayan ng Gamu kasama ang mga bayan ng Aurora, Cordon, Jones, Mallig, Roxas, San Manuel, Quezon, at Quirino.


Noong Lunes, Pebrero 24, 2020 ay nagdeklara ang Gamu ng State of Calamity upang mabigyan ng ayuda ang mga hog raisers na apektado ng ASF at makontrol na rin ang pagkalat ng naturang sakit ng baboy.

Ayon pa kay Mayor Uy, nasa 155 baboy na ang kanilang isinailalim sa culling o ibinaon sa lupa.

Kaugnay nito ay nakaalerto aniya ang kanilang municipal agriculture office na nagsasagawa ng araw-araw na pag spray ng disinfectant sa mga kulungan ng mga baboy.

Paalala ng alkalde sa mga hog raisers na laging paliguan ang mga alagang baboy at panatilihing malinis ang kulungan at kapaligiran upang makontrol ang posibleng pagkalat ng ASF.

Facebook Comments