Dahilan ng sabay ng pagkawala sa mata ng publiko ni PNP Chief Dela Rosa at Pangulong Duterte, ipinaliwanag ni General Bato

608

Manila, Philippines – May ginagapang na espesyal na operasyon sina Pangulong Rodrigo Duterte at PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa.

Ito ang dahilan kung bakit nawala sila sa mata ng publiko ng ilang araw.

Ayaw namang sabihin pa ni General Bato kung may kinalaman sa martial law o terorismo ang ginagawa nila ngayong espesyal na operasyon dahil baka mabulabog aniya ito.

Noong unang linggo ng Hunyo, matapos ang pag-atake sa Resorts World Manila, higit isang linggong hindi nakita ng publiko si General Bato.

Ilang araw pagkatapos nito, mula Araw ng Kalayaan, ang Presidente naman ang hindi nasilayan ng 5 araw.

Paliwanag ng Pangulo may pinuntahan siyang lugar na hindi niya maaring sabihin.

Facebook Comments