PNP police provincial director ng Iloilo, sinibak kasunod ng pag-atake ng NPA sa Iloilo

145

Iloilo – Sinibak na sa puwesto ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa si Senior Supt. Harold Tuzon ang provincial police director ng Iloilo.

Ito ay base na rin sa naging rekomendasyon ni Western Visayas Regional Director Chief Supt. Cesar Binag na sibakin si Tuzon dahil sa kabiguan nito na madepensahan ang kanyang police station sa pag-atake ng New People’s Army sa Maasin, Iloilo.

Pansamantalang papalit sa puwesto si Senior Supt, Christopher Tambungan na kasalukuyang deputy regional director for operations.

Ayon kay Chief Supt, Cezar Hawthorn Binag, ipinasibak na rin niya kay Dela Rosa ang lahat ng tauhan ng Maasin Municipal Police Station.

Ipapalit naman sa mga tauhan ng Maasin PNP ang mga tauhan Iloilo Police Provincial safety Company.

Ipinasibak na rin ni Binag kay Dela Rosa si Police Supt. Ruby Gumban, ang hepe ng Passi City Police Station, dahil sa paulit-ulit na offense nito dahil sa kabiguan na maging alerto sa kabila ng pag-iinspeksyon ng deputy regional director for operation na maging full alert status ang buong pwersa ng PNP.

Itinalaga naman ni Binag si Police Chief Inspector Gervinson Moyo bilang kapalit ni Gumban.

Facebook Comments