Daily average cases ng COVID-19 sa Pilipinas, bumaba ng 11%

Bumaba ng 11% ang average number ng mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na pitong araw.

Pero ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng OCTA Reasearch Group, hindi pa ito maituturing na epekto ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Kasabay nito, nilinaw din ng health expert na hindi maituturing na surge ang biglaan na namang pagtaas ng naitalang bagong kaso kahapon, May 1.


Nabatid na sa nakalipas na isang linggo, nasa 8,246 ang average cases ng COVID-19 na 11% na mas mababa kumpara sa average 9,253 sa mga nakalipas na linggo.

Pero kahapon, muling sumipa sa 9,226 ang bilang ng mga bagong tinamaan ng virus.

Samantala, bumaba rin sa 0.83 ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila.

Nakapagtala lamang ng average number na 3,144 new COVID-19 cases sa Metro Manila sa nakalipas na pitong araw at ito ay 18% na mas mababa kumpara sa 3,337 average cases noong nakaraang linggo.

Samantala, ayon kay David, posibleng sa susunod na linggo pa makita ang epekto ng MECQ sa COVID-19 cases.

Facebook Comments