Nakitaan ng 50% na pagtaas ang daily average COVID-19 cases sa Ilocos Region, base sa inilabas na datos ng Ilocos Center for Health Development.
Sa datos ng ahensya, nasa anim na kaso ang naitatala kada araw sa sakit na COVID-19 sa rehiyon kung saan may pagtaas kumpara noong June-5-11.
Ang rehiyon ay nakapagtala ng 42 na kaso noong June 12-18.
Sa nasabing tatlo naitala ang severe o critical at 60 indibidwal naman ang nasawi sa mga nakalipas na linggo.
Nasa 10% naman ang non-ICU bed utilization at 26% sa ICU bed utilization.
Samantala, mayroon ng 3, 680, 936 na residente nito ang fully vaccinated at 837, 663 ang nabigyan ng booster dose. | ifmnews
Facebook Comments