Daily briefing ukol sa COVID-19 pandemic, dapat ipagpatuloy

Para kay Senator Joel Villanueva, makabubuting ipagpatuloy ng Department of Health (DOH) ang daily briefing na naglalahad na report at maikling analysis ukol sa sitwasyon at bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Villanueva, kahit mababa ang aktibong kaso ng COVID-19 ay kailangan pa ring gabayan ng DOH ang publiko sa mga dapat nilang gawin dahil hindi pa tapos pagkalat ng virus.

Giit ni Villanueva, isang aral sa atin sa mga nakalipas na buwan ang kahalagahan ng tama at makatotohanang impormasyon pagdating sa COVID-19 pandemic.


Dagdag pa ni Villanueva, kailangang ipagpatuloy rin ang pagpapaalala sa ating mga kababayan tungkol sa kahalagahan ng health and safety protocols gayundin ang pagpapakalat ng impormasyon na hihikayat sa publiko na magpabakuna.

Sinabi ni Villanueva na mahalaga ring matukoy ng public health authority kung anong klaseng variant na ang kumakalat para mas maging maingat ang lahat.

Diin ni Villanueva, hindi tayo dapat maging kampante upang matiyak ang tagumpay sa pagbubukas ng ating ekonomiya.

Facebook Comments