Daily COVID-19 cases sa NCR, bumaba sa 80%

Bumaba ng 80% ang naitatalang arawang COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research Group Fellow Prof. Guido David, umaabot na lang sa 1,099 ang naitatalang daily average COVID-19 cases sa mga nakaraang Linggo.

Bumaba na rin aniya ang reproduction number sa NCR sa 0.53 kumpara sa halos 2 noong mga nakaraang buwan.


Mayroon din aniyang positivity rate ang Metro Manila ng mas mababa sa 10% kung saan mula risk level ay bumaba na ito sa moderate.

Pero sa kabila nito, sinabi ni David na hindi pa rin dapat magpakampante ang mga
Pilipino dahil may iba pa ring variant na kumakalat sa bansa.

Facebook Comments