DAILY SEARCH OPERATIONS | ‘Oplan Ukay-Ukay’, ipatutupad sa New Bilibid Prisons

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Ronald Dela Rosa ang pinaigiting na kampanya laban sa mga kontrabando sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Dela Rosa, binuo ang bagong task force na tatawaging ‘oplan ukay-ukay’ na siyang magsasagawa ng daily search operations para malinis ang bilibid sa ilegal na droga at iba pang kontrabando.

Una nang ipinatupad ni Dela Rosa ang ‘taps/lights off’ sa NBP mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:30 ng umaga para mabawasan ang mga ilegal na aktibidad.


Ang ‘taps/lights off’ ay layong bantayan ang mga ilegal na aktibidad tulad ng paggamit ng cellphone, illegal gambling, hindi awtorisadong transaksyon sa pagitan ng mga inmate at NBP personnel.

Facebook Comments