Daily water service interruptions sa ilang bahagi ng NCR, tuluyan nang sinuspinde ng Maynilad

Tuluyan nang itinigil ng Maynilad Water Services ang pagpapatupad ng scheduled daily water service interruptions sa Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Valenzuela at Quezon City.

Ayon sa Maynilad, napataas na ang water elevation sa Ipo Dam dahil sa ibinagsak na ulan
dala ng Bagyong Dodong.

Patuloy ngayon na natatanggap mula sa portal ang 2,400 MLD (million liters per day) na kailangan ng Maynilad para mapanatili ang normal na serbisyo sa kabila ng mas mababang water allocation mula sa Angat Dam.


Pero paglilinaw ng water concessionaire, ibabalik lamang ang daily service interruptions kapag tumigil na ang water inflows sa Ipo Dam dala ng mga pag-ulan, at muling maramdaman ang kabuuang epekto ng 48 CMS allocation.

Bagama’t suspendido sa ngayon ang service interruptions, hinihikayat pa rin ang consumers na makiisa sa masinop na paggamit ng tubig.

Facebook Comments