QC government, idineklarang walang pasok sa mga pribado at pampublikong paaralan sa SONA ni PBBM

Idineklara na ng Quezon City government na walang pasok sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Lunes, Hulyo 24,2023.

Ito’y upang bigyang daan ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex.

Ito ang nilalaman ng Executive Order No. 23 ni QC Mayor Joy Belmonte ukol dito.


Bagama’t bakasyon na ang ibang klase, may summer classes naman na maaapektuhan dahil sa pagsasara ng ilang kalsada sa lungsod.

Inaasahan na kasi ang mga ikakasang kilos protesta ng militanteng grupo kasabay ng SONA ng pangulo.

Facebook Comments