Dairy Production, Sisimulan na sa Probinsya ng Isabela

Dairy Production

Cauayan City, Isabela- Inaasahang magkakaroon ng maraming suplay ng gatas mula sa mga alagang baka ang probinsya ng Isabela na siyang ipadadala ng National Dairy Authority ng Department of Agriculture.

Ayon Isabela Governor Rodito Albano III, ito ay upang magkaroon ng maraming suplay ng gatas na maaaring mapakinabangan ng mga kabataan mula sa sariwang gatas ng baka.

Ito ay bilang alternatibong paraan dahil sa limitadong importasyon sa sektor ng agrikultura na siyang malaking porsyentong pinagkukunan ng suplay gaya ng bigas sa kabila ng krisis ng bansa.


Tiniyak naman ni Albano na tuloy-tuloy ang mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela para sa publiko lalo na sa usapin ng pangkalusugan.

Facebook Comments