Dalaga, binaril matapos umanong padumihin ang alagang aso habang naglalakad

(Unsplash)

COLORADO, US – Patay ang 21-anyos na dalaga nang barilin ng isang lalaking nagalit matapos umano niyang padumihin ang alagang aso habang naglalakad sila sa kahabaan ng Denver noong Miyerkules.

Sa inilabas na report ng the Denver Post, bitbit ng biktimang si Isabella Thallas ang kanyang aso kasama ang nobyong si Darian Simon habang naglalakad-lakad.

Pumasok sa eksena ang 36-anyos na suspek na si Michael Close nang bigla na lang raw itong lumabas sa kanyang apartment para sigawan ang dalawa dahil sa pagpapadumi nito sa alaga.


Giit nito, tinuturuan daw ba nila ang kanilang aso o mas maiging sigawan na lang para umano sumunod ito.

Kwento naman ni Simon sa mga pulis, hindi raw nila pinansin si Close hanggang sa makarinig sila ng putok ng baril mula rito.

Tinamaan umano siya ng dalawang beses habang agad namang nasawi ang kanyang nobya na noo’y nabaril din.

Nahuli naman si Close habang nagmamaneho ito noong Miyerkules kung saan nadiskubre ang dalawang baril sa loob ng kanyang sasakyan.

Labis ang pagdadalamhati ng ina ng biktima sa sinapit ng kanyang anak.

Facebook Comments