Dalaga brutal na pinatay sa North Cotabato

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa brutal na sinapit ng isang 21 anyos na dalaga sa Kidapawan City.
Sinasabing naliligo sa kanyang sariling dugo at tadtad ng taga mula sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ng matagpuan ang biktimang si Angelica Luzuriaga, empleyado ng Rian Motors at residente ng Barangay Lanao Kidapawan City, kabilang sa natamo ng biktima ay taga sa kanyang leeg, balikat at kamay sanhi ng kanynag kamatayan.
Napag-alaman na nag- iisa lamang sa kanyang tinutuluyan ang biktima ng mangyari ang krimen.
Inaalam pa ang ugat dahilan ng kalunos lunos na krimen at kung sinu ang maaring responsable sa insidente. Patuloy naman ang pagsigaw ng hustisya ng mga kapamilya at kaibigan ni Angelica.

Facebook Comments