Dalaga, himalang nakaligtas matapos pumailalim sa truck

1585
CCTV footage from Brgy. San Isidro, San Pablo Laguna

Milagrong nakaligtas ang isang dalagang tumatawid sa pedestrian lane na nabundol ng isang truck sa Brgy. San Isidro, San Pablo, Laguna nitong Oktubre 21.

Sa CCTV footage ng naturang barangay, makikitang tumatawid ang biktimang si Kimberly Humarang nang tiyempong dumaan ang forward truck. Tumalsik si Humarang at pumailalim sa sasakyan.


Lumabas sa imbestigasyon na mabilis magpatakbo ang driver na si Fernando Abardo.

Nangako umano ang kompanya ng truck na sasagutin ang gastusin sa pagpapagamot at papalitan ang nasirang gamit ng biktima.

Subalit hindi pa rin ito nakikipag-ugnayan sa kaanak ni Humarang.

Pinag-aaralan na ngayon ng pamilya ang kasong isasampa laban sa tsuper at employer nito.

Sa ilalim ng Republic Act No. 4136, dapat magbigay-daan ang mga motorista sa mga dumadaan sa pedestrian lane.

Facebook Comments

From Advertisers