DALAGA, HULI MATAPOS MANLOOB NG BAHAY; SUSPEK, NAKILALA DAHIL SA IBINENTA ANG MGA NINAKAW NA GAMIT

BAYAMBANG, PANGASINAN – Kulungan ang bagsak ng isang dalaga sa bayan ng Bayambang habang pinaghahanap pa ang isang pang kasamahan nito dahil sa ginawang panloloob sa isang bahay.

Kinilala ang nahuli na si Patricia Junio, 22 anyos habang patuloy na pinaghahanap ang isa na nakilalang si Wilfredo Malicdem, 57 anyos.

Una umanong humingi ng tulong ang mag-ina na may ari ng bahay ng matuklasan ng mga ito na nawawala na ang ilang kagamitan nila sa bahay katulad ng refrigerator, stove, plantsa, bags at mga damit.


Hindi naman umano matukoy kung sino ang nanloob sa bahay ngunit dahil sa may dalawang katao ang nagbalik ng plantsa at stove na umano’y binenta sa kanila ng mga suspek.

Ang refrigerator naman na nagkakahalaga ng P 31, 000 at ilang pang gamit na tinangay ng suspek ay hindi naman narekober.

Facebook Comments