Dalaga, Huli sa kasong Pagnanakaw!

296

San Mateo, Isabela – Arestado ang isang dalaga sa kasong pagnanakaw matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest sa Brgy. Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Lalaine Ruth Madrid Saguibo, trentay dos anyos at residente ng nasabing lugar.


Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto si Saguibo sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Ariel M. Palce ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela dahil sa 5 Counts na kasong Qualified Theft.

Nasa kustodiya na ng San Mateo Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa kanyang court of origin.

Sa ngayon, makakalaya lamang si Saguibo kung makakapaglagak ng piyansang P132,000.00

Facebook Comments

From Advertisers