Dalaga, Kalaboso sa Pagbebenta ng Alcohol na Sobra sa SRP!

168

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang dalaga matapos na matiklo sa isinagawang entrapment operation ng otoridad sa Barangay Balzain East, Tuguegrao City, Cagayan.

Kinilala ang nadakip na si Shaida Ellaine Holgado, dalawamput isang taong gulang, at residente rin sa nasabing lugar.


Sa isinagawang entrapment operation ng otoridad ay ibinenta ng suspek sa katransaksyon ang 210 na piraso ng 60ml na Alcohol kapalit ang halagang Php 11,500.00.

Nabatid na ibinebenta ng suspek sa halagang 60 pesos ang bawat isang piraso ng 60ml na alcohol mula sa SRP na seventeen pesos and 25 centavos hanggang 25.50 centavos.

Nang matanggap ng suspek ang boodle money ay agad itong inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya maging ang mga nakumpiskang alcohol para sa tamang disposisyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A 7581 Sec.5 o Price Act ang suspek.

Facebook Comments