Lalaki na Nakipag-inuman sa mga Kaibigan, Natagpuang Inaagnas sa Maisan!

424

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang imbestigasyon ng PNP Cauayan City sa natagpuang bangkay ng isang magsasaka sa Brgy. Dianao, Cauayan City, Isabela.

Magugunita na narekober dakong alas 2:00 ng hapon, Marso 31, 2020 ang bangkay ng biktima na kinilalang si Noel Ancheta, 28 taong gulang, may-asawa, at residente ng Brgy. Buyon, Cauayan City, Isabela.


Una rito, nakipag inuman ang biktima sa brgy. Dianao noong Marso 26, 2020 kasama ang tatlong (3) kaibigan na sina Rodrigo Pancho, Archard Pancho at Sherwin Roque.

Pagkatapos ng kanilang inuman ay umuwi ang biktima dakong alas 6:30 ng gabi subalit ayon sa kapatid ng biktima na si Julie Ancheta ay hindi dumating ang biktima.

Sa paghahanap ng pamilya sa biktima ay natagpuan ang biktima sa isang maisan na nasa state of decomposition na.

Facebook Comments