MANCHESTER, England – Muntik nang mawalan ng paningin ang isang 13-anyos na dalaga matapos pumasok ang lead o panusok ng lapis sa kanyang mata nang batuhin ng kaklase.
Batay sa ulat, hindi raw napansin ng biktima na mayroong naiwan na parte ng lapis sa kanyang ‘sclera’ o puting bahagi ng kanyang mata.
Hanggang sa isang kaklase ang nakapagsabi sa babae na mayroong kakaiba sa kanyang mata.
Ayon sa biktima, isang lapis ang ibinato sa kanya mula sa likuran ng silid aralan.
Aniya, “A pencil had been thrown from the front of the classroom to the back where I had been standing chatting [with] my friends.”
Para sa kanya, masyadong mabilis ang pangyayari kaya umano wala siyang naramdamang kahit ano.
Matapos maitaas sa guro ang nangyari, agad na idinala sa ospital ang biktima at dito nasuri ang naturang lead na naiwan sa loob ng kanyang mata.
Ang naiwang lead ay maaaring makabulag sa dalaga dahil ilang milimetro na lang ang layo nito sa mula kanyang retina.
Dahil dito ay kinailangang operahan ang mata ng dalaga gamit ang ‘forceps’ para maingat ang pagtatanggal sa delikadong bagay.
Samantala, matapos ang operasyon, kinailangang gumamit ng eye drops at magsuot ng eye patch ang biktima sa loob ng dalawang Linggo para unti-unting bumalik sa normal ang kanyang paningin.
“After the operation, I could not see much out of my left eye at all but gradually my sight seemed to improve. When I first got home I did not like any lights on in my room as it was too bright for me,” aniya.
Dagdag niya, “I still have a few stitches in the back of my eye and also at the front but they do not affect me in any way.”
Giit niya, maswerte pa rin siya matapos ang lahat ng nangyari.