Dalaga sa Cauayan City Isabela, Nabawasan ng Ngipin at Sugatan Matapos Maaksidente sa Tulay!

Cauayan City, Isabela – Nabawasan ng ngipin at sugatan ang katawan ng isang dalaga makaraang maaksidente kagabi sa tulay ng Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay Police Inspector Sosimo Sambrano, Chief Investigator ng Cauayan City Police Station, aniya ang biktima ay kinilalang si Janine Estabillo, dalawampu’t anim na taong gulang at residente rin ng nasabing lugar.

Sinabi pa ni Police Inspector Sambrano na nabulaga umano ang biktima sa nakalagay na improvised barrier dahil sa hindi naman umano reflectorized.


Paliwanag pa ni PI Sambrano na ang tanging inilagay ng tauhan ng contractor sa inaayos na tulay ay isang yellow tape na hindi kaagad nakita ng biktima habang sakay ng kanyang MIO motorcycle.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang umano na bumalik ang biktima sa himpilan ng PNP Cauayan City kung magsasampa ng kaso laban sa contractor ng inaayos na tulay sa Tagaran Cauayan City.

Facebook Comments