Dalaga sa Ramon Isabela Ginahasa, Kapatid nito Binaril-Patay!

Ramon, Isabela – Patay kagabi ang isang binata matapos pagbabarilin nang tangkain nitong saklolohan ang kapatid na kasalukuyan ginagahasa ng mga kriminal na pumasok sa kanilang bahay kalakal sa Ramon, Isabela.

Ayon kay Police Chief Inspector Lord Wilson Adorio, hepe ng Ramon Police Station, agad na binawian ng buhay ang biktimang si Arwin Ian Costales Magtanong dahil sa tama ng bala sa leeg at dibdib mula sa caliber 9mm.

Aniya, unang pinasok ng dalawang suspek ang computer shop ng pamilya ng biktima na nagkataon namang nagbabantay ang ina nito at nakababatang kapatid na babae na labing siyam na taong gulang.


Pagpasok umano ng mga suspek na may dalang baril ay agad na nagdeklara ng hold up at ikinulong ang dalawang kustomer na nadatnan kasama ang ina sa may CR ng bahay kalakal, samantalang ang dalaga ay hinatak sa may computer area at dito hinalay ng isa sa mga suspek.

Habang ginagawa umano ang kahayupan sa dalaga ay biglang dumating ang kuya nito sa lugar at ng tangkain nitong saklolohan ang kapatid ay agad siyang pinagbabaril ng isa sa mga suspek.
Matapos ang pagyayari ay agad umanong tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo patungo sa di pa mabatid na direksyon sa bayan ng ramon isabela.

Iginiit pa ni Police Chief Inspector Adorio na mayroon na silang tinututukang gabay sa maaaring kinaroroonan ng mga suspek matapos na makilala ang mga ito sa kanilang rogue gallery at nagsasagawa narin ng hot pursuit operation ang mga ito para sa agarang ikalulutas ng karumaldumal na krimen sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments