VIRAL | Maternity picture ni Aubrey Miles, usap-usapan sa social media

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media ang kakaibang maternity shoot na ginawa ng aktres na si Aubrey Miles.

Nabatid kasi na kinunan ang larawan ng aktres habang nagsasagawa ng workout.

Naniniwala daw kasi ang aktres na kapag healthy and fit ang isang nanay, 100 percent din daw na magiging healthy ang pinagbubuntis nito.


Ilan naman sa mga fans at followers nito ay humanga sa kaniyang ipinakita pero ang ilan ay pinayuhan siya na maghinay-hinay ng konti.

Matatandaan na si Aubrey ay kilala sa kanyang fitness buff, maliban sa hilig sa pagkain, travelling at pag-aalaga sa kanyang tanim na ibinibida sa kanyang instagram profile.

Una nang inanunsyo ng aktres ang kanyang pagbubuntis noong Hunyo kung saan posible siyang manganak by late December o early January.

Facebook Comments