Dalaga sa Santiago City, Arestado sa Buy Bust!

Santiago City, Isabela- Arestado ang isang babae sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng pinagsanib pwersa ng PNP Santiago Station 1 at PDEA Region 2 sa Barangay Calaocan, Santiago City kahapon.

Kinilala ang suspek na si Karen Bayaua, tatlumpu’t isang taong gulang, walang asawa, dating drug Responder at residente ng Purok 2, Barangay Ambalatungan Santiago City, Isabela.

Batay sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, ang hepe ng Santiago City Police Office Station 1, nadakip ang suspek na dating Tokhang Responder matapos mahuli na nagbebenta ng iligal na droga sa isang pulis na nagpanggap na bumili sa halagang limang daang piso.


Nakapiit na ngayon ang suspek at nahaharap sa Kasong Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments