Ito ay makaraang walang mag-claim sa bangkay ng dalaga na residente ng Cauayan City na una nang iniulat na nawawala.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLT. Federico Tulay, Deputy Chief of Police ng Naguilian Police Station, kinilala ang biktima na si Florence Andres, 23-anyos, may sakit na epilepsy at residente ng Brgy. Alicaocao, Cauayan City.
January 10, 2022 ng matagpuan ang nakalutang na bangkay ng dalaga matapos ipagbigay alam ng isang concerned citizen sa mga awtoridad.
Ayon kay PLT. Tulay, bloated at nasa stage of decomposition na ang bangkay ng dalaga dahil sa matagal na nakababad sa tubig.
Batay sa post mortem examination sa bangkay na isinagawa ng Rural Health Unit, pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay nito.
Kaagad namang nakipag-ugnayan sa pulisya ang pamilya ng dalaga at labis umano ang pasasalamat ng ina ng biktima sa pagbibigay ng maayos na libing sa kanyang anak.