Dalagita, arestado matapos nakawin, paliparin ang isang private plane sa airport sa California

FRESNO, California – Inaresto ang 17-anyos na dalagita matapos umano nitong nakawin ang isang private plane at paliparin sa Fresno Yosemite International Airport, Miyerkules, Disyembre 18.

Ayon sa pulisya, isang King Air 200, maliit at pam-pribadong eroplano ang tinangkang kunin ng dalaga.

Agad na pinasok ng awtoridad ang babae na nakaupo sa upuan ng piloto habang suot ang headset nito, sabi ni airport Police Chief Drew Bessinger sa isang press conference noong Miyerkules.


Aniya, hindi raw makausap ng maayos ang babae at tila ayaw umano nitong makipagtulungan sa imbestigasyon.

Samantala, nagtamo ng ilang pinsala ang eroplano ngunit wala namang naiulat na nadamay o nasugatang pasahero nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa tunay na motibo ng babae.

Facebook Comments