Dalagita mula Misamis Oriental, nagbigti dahil umano sa sobrang kalungkutan

Wala ng buhay nang matagpuan ang 19-anyos na dalagita sa loob ng kanilang bahay sa Misamis Oriental, matapos itong magbigti dahil umano sa depresyon.

Sa ulat ng Tagoloan Police Station, residente ng Sta. Cruz, Tagoloan ang biktimang si Jerlyn Campeon na nakita umano bandang alas 4:00 ng hapon na nakabigti sa biga ng kanilang bahay.

Sa kwento ng pamilya ng biktima, wala silang maisip na dahilan kung bakit ginawa ni Campeon ang naturang suicide.


Wala raw kasi itong kinukwentong problema sa kanila.

Ngunit malungkutin at hindi raw nakikihalubilo ang dalagita sa kahit sino.

Kaugnay nito, pinaniniwalaan ng kanyang kaanak na depresyon ang dahilan ng trahedya.

Maaaring nauwi raw dito ang pagiging tahimik ng dalaga kaya nagawa ang pagbibigti.

Samantala, patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang tunay na dahilan ng insidente.

(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084)

 

Facebook Comments