Gurong nakipagtalik sa dating estudyante, pinagbawalan nang magturo matapos ang halos 15 taon

1166

ESSEX, England – Opisyal nang pinagbawalan sa pagtuturo ang isang 56-anyos na guro matapos mapatunayang nakipagtalik sa dati nitong estudyante habang nasa school trip.

Halos 15 taon na ang nakalipas nang magtapos sa Saffron Walden County High School ang isang estudyante na sinasabing nagkaroon ng relasyon at nakipagsex sa gurong si Paul Stuart-Turner.


Oktubre 2008 nang maiulat na nagsimulang magkaroon ng namamagitan sa dalawa.

Matapos ang 10 taon, nagsumbong ang naturang estudyante tungkol sa alegasyong pang-aabuso umano laban kay Stuart-Turner na agad na pinatalsik.

Dito na nagsimulang imbestigahan ang naging aksyon ng suspek, ngunit mariin daw nitong itinaggi ang akusasyon.

Hindi raw totoong may nangyari sa kanila ng estudyante at wala raw sa kahit sinong estudyante ang kanyang inabuso sa loob ng 21 taon niyang pagtuturo.

Ayon naman sa dating headteacher ng paaralan, isang magaling na guro si Stuart-Turner.

Maganda rin daw ang kasaysayan nito maging ang mga resulta ng kanyang mga ibinibigay na pagsusulit sa mga bata.

Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin daw katanggap-tanggap ang ginawa ng guro at isa raw itong ‘out of character’ na insidente.

Hindi raw tama na nakikipagtalik ang isang guro sa kanyang estudyante o sa kahit sinong mag-aaral.

Samantala, binigyan naman ng karapatang umapela ang guro sa naturang ban na maaari niyang gawin sa 2025.

Facebook Comments