Dalagita, patay nang makuryente sa pampublikong Christmas display

3166

Nasawi ang isang 14-anyos na babae matapos makuryente sa pampublikong Christmas display sa Mulanay, Quezon nitong Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si Pricila Peñaflor, isang estudyante.


Ayon sa pulisya, nagse-selfie si Peñaflor nang aksidenteng mahawakan ang live wire sa Christmas lights.

Walang nagawa ang mga kasama niyang namasyal dala ng takot hanggang sa bumagsak sa semento ang biktima.

Naisugod pa sa ospital ang dalagita, ngunit idineklara ring dead on arrival.

Inaalam pa ng awtoridad kung may kapabayaan sa panig ng mga namamahala sa Christmas display na mapupuntahan sa baywalk ng bayan.

Nakaburol ang labi ni Peñaflor sa kanilang bahay sa Barangay Butanyog.

Facebook Comments