Pagtatayo ng Grand Central Station sa North Edsa, QC, minamadali na ng DOTr

Photo from DOTr page

Puspusan ang konstraksyon na ginagawa ngayon ng Department of Transportation upang magamit na ng publiko ang Grand Central Station sa North Edsa, Quezon City.

Ayon sa DOTr, nasa 96 na porsyento ng natatapos ang Area “B” na tinatawag na Common Station na malaking tulong sa mga commuters.

Paliwanag ng DOTr kapag natapos anila ang nasabing proyektoa magdurugtong ito sa LRT line 1, MRT 3 at MRT 7 na malaking kabawasan sa mga tumitinding trapiko sa EDSA.


Milyong-milyong mga pasahero anila ang makikinabang sa nasabing istasyon.

Umaasa ang DOTr na maabot nila ang target na petsa sa taong 2021 para matapos ang Common Station.

Facebook Comments