Nasa 10 bagong ambulansya, ipinamahagi ng Muntinlupa LGU para sa pagtugon sa anumang emergency

Naiturn-over na ng Muntinlupa City Local Government Unit (LGU) sa siyam na barangay sa lungsod ang mga bagong ambulansya na magagamit sa pagtugon sa panahon ng emergency.

This slideshow requires JavaScript.

Ayon kay Muntinlupa Cit Mayor Ruffy Biazon, layunin nito na makakatugon ang lungsod


pagdating sa emergency response sa panahong ng kalamidad at sakuna.

Napunta ang ang isang unit ng ambulansya sa Department of Disaster Reduction and Management (DDRM).

Habang 34 Honda click motorcycle naman ang sabay na naiturn-over ng Muntinlupa LGU sa iba’t ibang department ng Muntinlupa City Hall particular sa Business Permit and Licensing Office (BPLO), Colegio de Muntinlupa, Community Affairs at Development Office.

Facebook Comments