Dalagitang nagparetoke isiniwalat ang katotohanan

49

Photo Source: Instagram Nagtrending kamakailan ang 19 anyos na dalagitang ‘di umano’y nagparetoke ng 50 beses upang maging kamukha ang aktres na si Angelina Jolie. Agad na nag-viral at naging usap-usapan sa social media ang mga larawan ng dalagita kung saan may ilan pang ikinumpara siya sa animated character na Corpse Bride. Naging laman din ng debate sa internet kung retoke nga ba talaga o photoshop at make-up lamang ang ginamit ng dalagita.
Isiniwalat naman mismo ng dalagitang si Sahar Tabar ang katotohanan sa likod ng kanyang mga kontrobersyal na larawan. Ayon sa dalagita, gumamit siya ng photoshop at make-up para ibahin ang kanyang itsura. Photo Source: Instagram “This is Photoshop and makeup. Every time I publish a photo, I paint my face in an increasingly funny way. It is a way of expressing yourself, a kind of art. My fans know that this is not my real face”, ani Tabar. Kasabay nito, inamin naman ng dalagita na nagkaroon nga siya ng ilang cosmetic enhancement pero pinabulaanan ang 50 beses na bilang. “I had a nose, enlarged mouth and liposuction. I see nothing wrong with the operations: many people in the world undergo this kind of treatment”, pag-amin nito.Hindi rin daw totoo na nabawasan siya ng halos 40kg sa kanyang timbang. 5-7 kilos lang umano ang kanyang binabawas at pinapanatili ang kanyang 54kg na bigat.
Photo Source: Instagram Bilang patunay na photoshop at make-up lang ang naging mga viral photo, in-upload ni Tabar ang kanyang aktwal na itsura.

Facebook Comments