Operasyon ng Pdea 12 mas paiigtingin ng bagong Director

19

Kung ano ang sinimulan ay ipagpapatuloy ito ng bagong talagang bagong Regional Director ng PDEA 12 sa katauhan ni Regional Director Valente Carino.
Pahayag ito ni Carino kasabay ng pormal na pag upo bilang PDEA 12 Regional Director kapalit ni Regional Director Gil Cesario Castro.
Ayon kay Carino, magiging prayoridad pa rin ng PDEA 12 ang mga High Value Target at high impact operation laban sa iligal na droga. Kasabay din nito ang paghingi ni Carino ng tulong sa kampanya kontra illegal drugs ng mga mamamayan at lokal na pamahalaan.
Si Carino ay dating Deputy Regional Director ng PDEA ARMM. Ang pinalitan naman nitong si Castro ay itinalaga muna sa PDEA Central Office habang naghihintay ng bagong assignment.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments