DALAGITANG NAWAWALA SA MANGALDAN MATAPOS MAGPAALAM NA PAPASOK SA PAARALAN, NAHANAP NA

Nakauwi na sa kanyang pamilya ang 14 anyos na dalagitang iniulat na nawawala simula noong Marso 27, mula sa Brgy. Banaoang, Mangaldan.

Ayon sa pamilya, umaga noong Biyernes nang magpaalam ang dalaga na papasok sa paaralan ngunit bigong makauwi ng isang araw.

Nahanap agad ang kinaroroonan ng dalaga matapos ang flash alarm ng awtoridad.

Kaugnay nito, pinaalala ng awtoridad ang maagap na pag-uulat ng mga katulad na insidente upang agad na masaklolohan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments