₱14M HALAGA NG PAUTANG MULA SA LANDBANK, NAPAKINABANGAN NG 147 MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA PANGASINAN

May kabuuang 14 milyon pisong halaga ng mga inaprubahang loan applications mula sa Land Bank of the Philippines (LBP) ang napakinabangan ng mahigit 147 magsasaka at mangingisda sa ginanap na LandBank Agrisenso Plus Program sa Pangasinan Training and Development Center sa Lingayen noong Marso 26, 2026.

Layunin ng LandBank Agrisenso Plus Program na suportahan ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kayang pautang at serbisyong pinansyal upang mapataas ang produktibidad at kita ng mga benepisyaryo.

Ayon sa pamunuan ng national development lending sector ng LandBank, kinikilala ng ahensya ang lumalalang hamon sa pagsasaka at pangingisda dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng abono, pagkain, at petrolyo.

Binigyang-diin din ang epekto ng pabago-bagong presyo ng mga ani at ang banta ng mga sakuna tulad ng bagyo, tagtuyot, at pagbaha na labis na nakakaapekto sa kabuhayan.

Ang Agrisenso Plus Program ay isang pinahusay na inisyatibo kung saan ibinaba ang interes mula sa 4 porsyento patungong 3 porsyento kada taon para sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang benepisyaryo sa sektor ng agrikultura. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments