Kinumpirma ng Bureau of Jail Managament and Penology (BJMP) na suspendido muna ang dalaw sa Manila City Jail kasunod ng kaguluhan kanina sa pagitan ng “Bahala na Gang” at “Commando Gang”.
Ayon kay BJMP Spokesman Chief Inspector Jayrex Bustinera, kapag may mga nangyayaring rito, awtomatiko munang itinitigil ang dalaw kasabay ng isinasagawang imbestigasyon.
Kinumpirma naman ng Manila City Jail na walo ang nasugatan sa insidente.
Ayon kay Jail Officer I Elmar Jacobe, tagapagsalita ng male dormitory ng Manila City Jail, kabilang sa mga nasaktan ay ang anim na miyembro ng “Commando Gang” habang dalawa naman sa panig ng “Bahala na Gang” na nagtamo lang ng gasgas o minor injury.
3 aniya sa mga nasugatang kasapi ng bilang ng Commando ang kinailangan dalhin sa ospital bagamat hindi naman malubha ang sitwasyon.
Tinitignan ng BJMP kung may kinalaman sa sportsfest ng mga inmate ang ugat ng kaguluhan.