Pinoy, ligtas na nakatawid sa Dominican Republic kasama ang 27 Chinese national dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Haiti-Chinese Embassy

Ligtas na nakatawid sa Dominican Republic ang isang Pinoy kasama ang 27 Chinese national dahil pa rin sa nagpapatuloy na kaguluhang nangyayari sa Haiti.

Ayon sa Embahada ng China, ang repatriation ay hindi lamang sa mga Chinese kundi maging sa ibang nasyonalidad.

Kasama sa mga tumulong ang Chinese Ministry of Foreign Affairs at Chinese Embassy sa Dominican Republic.


Sa ngayon, patuloy ang kanilang ginagawang evacuation hindi lamang ng kanilang mga nasasakupan maging ang publiko na nais na makalabas ng Haiti.

Facebook Comments