Dalawa arestado matapos magnakaw ng baterya ng sasakyan

*Dalawang magbobote bakal at plastic ang nahuli sa aktong nagnakaw ng baterya ng multicab kahapon ng tanghali sa Kamase barangay Poblacion 9 ng lungsod.*
*Isang 19 anyos at 12 anyos na nakatira sa RH-10 ang nahuli ni Kap Jonas Mohammad makaraang tangayin sana ang baterya ng sasakyan ni purok leader Alvin Aman.*
*Sa panayam kay kap.Jonas, akala ng mga suspect na walang tao sa tapat ng nakaparadang multicab, kayat ng bitbitin nila ang baterya ay mabilis silang hinabol ng mga barangay tanods.Silay kaagad na tinurn-over sa PP2.*

Facebook Comments