Isang lolo pinagbabaril patay sa bayan ng Mlang North Cotabato

Patay ang isang lolo ng itoy mabiktima ng pamamaril sa bayan ng Mlang sa lalawigan ng Cotabato. Kinilala ang lolo na si Jaime Camposano Soria, residente ng Bonifacio St. Barangay Poblacion sa bayan ng Mlang. Kinilala din sa report ang suspect na si Edwin Mario Laglagaron Medialuna,52 anyos . Sa report ay naglalaro ng baraha ang biktima sa loob ng bahay ng pagbabarilin ng suspect . Tinamaan ang biktima ng bala sa kanyang tenga at likod mula sa cal.45 pistola. Naisugod pa ito sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor. Personal grudge ang nakikitang motibo ng Pnp sa pamamaril. Agad ding naaresto ang suspect at narekober din ang baril na kanyang ginamit. (Amer Sinsuat)

Facebook Comments