Dalawa, arestado sa ilegal na droga sa Malate, Maynila

36

Kalaboso ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Villanueva Compound, Brgy. 732, Malate, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Carlos Lagunsad, 18-anyos, walang trabaho, at Hernan Nisperos, 48-anyos na isang pintor.


Nabatid na unang sinita ng mga barangay tanod ang dalawang suspek dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.

Bukod sa walang suot na face mask, nagduda agad ang mga tanod dahil ang dalawa ay pawang hindi naman residente ng Villanueva Compound.

Nang kapkapan, dito na nakuha sa kanilang pag-iingat ang nasa anim na sachet ng shabu na may bigat ng higit isang gramo at nagkakahalaga ng ₱8, 840.00.

Agad na dinala sa Malate Police Station 9 ang dalawang suspek na nahaharap sa paglabag sa City Ordinance No. 8627 o ang mandatory na pagsusuot ng face mask, Resistance and Disobedience to a Person in Authority at paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments