3 tulak umano ng ilegal na droga sa Taguig City, arestado sa buy-bust operation

45

Timbog ang tatlong lalaking tulak umano ng ipinagbabawal na droga sa lungsod ng Taguig matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila.

Nakilala ang mga suspek na sina Hamida Guiamad Macadatar, alyas “Bedarya”, 43-anyos; Rasul Guiamad Macatar, 38-anyos; Ryan Asuncion Rayco, 42-anyos.


Nakuha mula sa kanila ang 6.02 grams na hinihinalang shabu na may katumbas na halagang ₱40,936.

Batay sa ulat ng Taguig City Police, ginawa ang nasabing operasyon pasado alas-6:15 kagabi sa Zamboanga St., Brgy. Maharlika ng naturang lungsod matapos mabilhan ng umano’y shabu ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ang isang suspek na si alyas “bedarya” na target din ng nasabing operasyon.

Nakakulong na ang mga suspek sa Taguig City Police Station Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments