Dalawa, arestado sa iligal na droga sa Pasay City

Kalaboso ang dalawang tulak ng ilegal ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Christopher Fudulig at Aldrin Tailan.

Ikinasa ang operasyon ng mga otoridad matapos makatanggap ng impormasyon na ginagawang pwestuhan at bentahan ng ilegal na droga ang bahay ni Tailan sa No. 25 F. Victor St., Brgy. 62 Zone 8, Pasay City.


Nakuha sa dalawa ang apat na sachet ng shabu na may bigat ng higit anim na gramo na nagkakahalaga naman ng P42,840.

Nabatid na ang dalawa ay kasama sa drug watchlist ng barangay pero huminto sa kanilang ilegal na gawain subalit bumalik rin sa pagbebenta ng droga dahil sa walang trabaho.

Facebook Comments