Kinilala ang mga suspek na sina alyas Marvin, 52 anyos, kasal, at residente ng Brgy. Labben, Allacapan, Cagayan at si alyas Renato, 52 anyos, kasal, at residente naman ng Sitio Morol, Brgy. Minabel, Calayan, Cagayan.
Sila ay nadakip matapos isilbi ng PNP Allacapan ang warrant of arrest laban sa kanilang dalawa bandang 9:00 ng umaga ng parehong araw.
Ayon sa nakuhang impormasyon mula sa Cagayan Police Provincial Office, pinalaya rin ng mga pulis si alyas Marvin matapos itong makapagpiyansa ng mahigit 70,000 libong piso habang si alyas Renato naman ay nasa kustodiya ngayon ng PNP Calayan para sa dokumentasyon at wastong disposisyon
Ang inirekomendang piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan ay nagkakahalaga ng 40,000 libong piso.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa “Forestry Code” o iligal na pangangahoy.