Dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Agosto.
Ayon sa PAGASA, ang apat na karaniwang climatological track ngayong buwan ay ang mga sumusunod:
1. Papasok ang bagyo sa PAR habang kikilos pahilaga ng bansa. Hindi ito mag-la-landfall pero gagalaw ito patungo sa Japan. Gayunpaman, papalakasin ng bagyo ang habagat.
2. Tutungo ang bagyo pahilagang-kanlurang bahagi ng PAR. Hindi ito mag-la-landfall pero gagalaw ito patungo sa Taiwan. Gayunpaman, palalakasin din ng bagyo ang habagat.
3. Mag-la-landfalll ang bagyo sa extreme Northern island ng bansa.
4. Mag-la-landfall ang bagyo at tatawid sa silangan at hilagang bahagi ng Visayas.
Batay rin sa rainfall forecast ng PAGASA, makararanas ng katamtamang pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong Agosto.
Habang mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa ilang bahagi ng kanlurang Luzon, at bahagyang malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga.